Una sa Balita

Lani Mercado binatikos sa COVID-14

0 1,283

Nag-trending ang actress at Mayor ng Bacoor na si Lani Mercado dahil sa naging pagkakamali niya lang sa salitang Covid-19. Sa halip na COVID-19, COVID-14 ang nabigkas niya.

Nag-post ng video si Lani kunsaan, nagbibigay ito ng mensahe na kayang labanan ng sama-sama ang virus. Pero sa simpleng pagkakamali niya, yung positibong intensiyon niya, ginawa ng katatawan ng iba at naging dahilan para i-bash pa siya.

Ang lumabas na video, “Ako po si Lani Mercado-Revilla na nagsasabi po sa ating lahat na sama-sama, tulong-tulong laban po sa COVID-14.”

11 seconds lang yata ang video na yun na mukhang binabasa lang ni Lani at ewan kung na-edit o nabago naman, pero kung bakit lumabas online itong COVID-14 na nabanggit niya.

Nasa trending 8 spot na si Lani sa Twitter nang makita namin nang magsimulang maglabasan ang video at i-share ng karamihan.

Kung may mga harsh comments at patuloy na pamba-bash mula sa mga netizens dahil sa pagkakamali ni Lani, meron din namang iba na idinadaan sa joke ang reaction nila.

Sabi ng isang netizen, “This corona virus will never ever be over. After COVID-19, here comes COVID-14. So, what’s next, 13? 12? Charaught!”

Maymay masama ang loob, umasang magiging dyowa si Edward

Pagkatapos maglabas ng statement ang MayWard loveteam na sina Maymay Entrata at Edward Barber na kunsaan, out of nowhere, habang ang lahat ay naka-focused sa COVID-19, ipinahayag nila na ang loveteam nila ay hanggang on-screen lang.

Na ang mga MayWard fans na umaasa na posible silang maging “real” ay tila sinabihan na nilang ‘wag nang umasa na magiging sila in-real-life. Though, nag-iwan pa rin ng impression ang statement nila na they’re still good friends at puwede pa rin magtrabaho na magkasama.

Pero ilang araw lang, heto’t may mga fans din na nakapansin na biglang nag-delete si Maymay ng mga pictures ni Edward sa kanyang Instagram account.

Dahil sa action na ito, mas lalo tuloy lumalakas ang balita na may girlfriend na si Edward, na nandiyang may mga nagko-comment din na baka nasaktan si Maymay or baka umasa ang huli.

Nagtataka sila bakit kailangan daw mag-delete ng mga pictures ni Edward si Maymay sa IG nito kung patuloy pa rin naman silang magtatrabaho na magkasama at kung totoong okay pa rin sila as friends.

May ilang comments din naman na naaawa kay Maymay, lalo na kung sa loob ng tatlong taon, naging “hopia” ito o nag-hope na magiging sila.

Sa isang banda, nagpakita naman ng suporta ang ilang Kapamilya tulad nina Gary Valenciano, Melai Cantiveros, Billy Crawford at Moirah na love nila pareho sina Maymay at Edward just the same.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More