Una sa Balita

Lani mabagsik na judge sa ‘The Clash’

By
0 4,299

Lani Misalucha is back in town! Kinuha siyang taga-kilatis at taga-sala sa 62 finalists sa coming singing search ng Kapuso Network, ang The Clash.

Malaking factor din siyempre sa Asia’s Nightingale ang pagiging host ni Regine Velasquez-Alcasid sa programa kaya napapayag siya maging regular judge ng talent search. Based na sa Las Vegas at kapag may magandang offer dito at saka lang siya bumabalik.

Makakasama niya bilang judge sina Christian Bautista at Ai-Ai delas Alas. Sa interview sa kanya, hindi pa raw niya alam kung magiging mabagsik ba siyang judge o istrikto o baka magpaka-nanay sa pagbibigay ng payo sa gustong maging singers. 

Anne nagbanta sa mga namirata ng ‘Sid & Aya’

Biktima rin ng pamimirata sa on-line ang pelikulang Sid & Aya (Not A Love Story) nina Dingdong Dantes at Anne Curtis lalo na’t certified blockbuster ang movie.

Nagbigay ng babala si Anne sa kanyang Twitter kaugnay ng ginagawang krimen ng mga pirata.

“To everyone that’s sharing all the illegal uploads of our movie Sid & Aya on Facebook. Thank you @VIVAFilms on reporting them. Sa mga nagu-upload, sana ma-guilty kayo!” warning ni Anne.

May sumang-ayon na mga netizen sa tweet ni Anne dahil may nakita silang naka-upload sa FB. May nagparating namang low quality ang video ng pelikula. ‘Yung iba ay nagsabi na ni-report na nila ang nakita nilang post sa FB.

Lumawak na talaga ang paraan ng pamimirata sa mga hit movie. Hindi na lang ito confined sa CDs na ibinebenta sa kalye o ang literal na pirata sa dagat dahil naglipana na rin sila sa social media, huh!

Isa sa rason ito kung bakit matamlay na matamlay na ang karamihan sa manonood dahil isang pindot lang nila eh napapanood na nila ang isang pelikula, local man o foreign.

Kaya kulang na kulang talaga ang suporta ng gobyerno pagdating sa pagbibigay ng proteksyon sa ating local films.

Dennis pinuri ni Jennylyn bilang ama

Karay-karay ni Jennylyn Mercado ang biological father niyang si Noli Pineda sa selebrasyon ng Father’s Day. Siyempre, kasama rin sa selebrasyon ang boyfriend niyang si Dennis Trillo, na puring-puri niya bilang ama sa anak nito kay Carlene Aguilar, at ang kanyang Tito Leslie kung saan pinost ni Jen sa Instgram ang Father’s Day moments nila.

Bukod sa papuri sa mga tatay, binigyang pugay rin ng Ultimate Star ang mga single mother na pumapapel bilang ama’t ina sa kanilang mga anak.

After ng selebrasyon, lumipad patungong Cebu City si Jen kung saan nag-promote sila ng ex-boyfriend niyang si Mark Herras ng series nilang The Cure.