Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lanete aariba sa FIBA 3X3

0 134

MASUSUBUKAN ang bangis nina veteran cager Chico Lanete at ang Manila Chooks TM sa pagsabak ng koponan sa 2021 FIBA 3X3 World Tour Abu Dhabi Masters, Biyernes.

Kahanay ng Manila Chooks, binubuo nina Lanete, Mac Tallo, Zach Huang at Cameroonian Mike Nzeusseu, sa Pool D ang world no. 4 Liman ng Serbia at no. 5 Amsterdam Talent&Pro ng Netherlands.

“First time nating lumabas ngayong pandemic so excited kasi ‘yung competition nandoon and it’s different if you’re not with them and it’s really difficult to motivate them kapag nasa Zoom ka lang,” litanya ni Manila Chooks head trainer Aldin Ayo.

Makakabangga ng Manila Chooks Biyernes ang Liman, habang katapat nila sa Sabado ng madaling araw ang Amsterdam. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.