Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Landslide sa Zambo, 10 nadale

0 160

Sampu-katao ang pawang nasugatan nang maipit sa putik ang pitong commuter van at pribadong sasakyan kasunod ng pagguho ng lupa na tumama sa maburol na bahagi ng highway sa Lakewood, Zamboanga del Sur nitong Miyerkules.

Nangyari ang landslide kasunod ng malakas na pag-ulan sa lugar.

Nabatid sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na bunsod ng nangyaring landslide ay naapektuhan ang kahabaan ng highway sa Barangay Gatub.

Agad namang nag-deploy ang lokal na pamahalaan ng mga backhoe at mabilis na sinaklolohan ang mga naipit sa biktima na ginagamot na ngayon sa isang ospital.

Leave A Reply

Your email address will not be published.