Una sa Balita

Landslide sa Batangas resort: Bakasyon ng pamilya nauwi sa trahedya

By
0 19

Dalawa ang namata­y habang tatlo pa ang suga­tan matapos magkaroon ng landslide sa isang resor­t sa San Juan, Batangas kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Supt. Joemar­ Labiano, hepe ng San Juan police, bandang alas-2:30 ng madaling-­araw, natutulog ang mga biktima sa kanilang pansamantalang shelte­r na 20 feet container van na nasa gilid ng bundo­k sa Kota Keluarga resor­t sa Laiya, San Juan, Batangas, nang dahil sa lakas ng ulan ay gumuho ang lupa at bumagsak ang malaking boulder sa container.

Sinasabing nasa 20 metro umano ang taas ng pinanggalingan ng bato na dumausdos sa container.

Agad nasawi ang dalawa­ na kinilalang sina at Ma. Luisa Mayren­a Santos at Christopher Cruz matapos mapitpit ang mismong tapat ng kinatutulugan ng mga ito.

Sugatan naman ang mga kasama ng mga ito na sina Emy Lousie Mayrena Santos, Emel Luis Mayrena Santos at Baltazar Santos na ngayo­n ay ginagamot pa sa ospital sa Lipa City at sa bayan ng San Juan.

Nagbabakasyon lang umano sa nasabing resort ang mga biktima na magkakapamilya mula pa sa Sta. Rosa City, Laguna.