Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Landslide nanalasa sa Eastern Visayas

0 98

AABOT sa pitong pamilya o 30 katao sa Eastern Visayas ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa bagyong Lannie, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa report, sinabi ng NDRRMC na nagkaroon din ng landslide sa Eastern Visayas dahil sa walang tigil na ulan. May mga puno rin na nabuwal at mga naitalang pagbaha.

Hindi naman madaanan ang ilang mga pangunahing kalsada sa Eastern Visayas at Western Visayas.

Suspendido na rin ang operasyon ng 12 ports dahil sa banta ng nasabing bagyo.

Stranded naman ang 221 passengers, 130 rolling cargoes, at tatlong vessels sa Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Eastern Visayas.

Suspendido rin kahapon ang klase at ilang mga trabaho sa Eastern Visayas. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.