Una sa Balita

Landslide, flashflood ibinabala ng Pagasa

By
0 188

WALANG sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at ang pag-uulan ay dala ng buntot ng cold front.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) hindi dapat balewalain ang nararanasang pag-uulan dahil maaari pa rin itong maging sanhi ng pagbaha at landslide.

Partikular na pinag-iingat ng Pagasa ang mga residente na nakakaranas ngayon ng kalat na kalat na pag-uulan sa loob ng maghapon.

Ang eastern section ng Southern Luzon at ang Visayas ay apektado umano ng cold front habang ang Bicol region at Eastern Visayas ay nakakaranas ng thunderstorms.

Samantala northeast monsoon o amihan naman ang umiiral sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Aurora province bunsod ng northeast monsoon habang maaliwas na panahon naman ang ma­raranasan sa Metro Manila sa susunod na dalawang araw.