Una sa Balita

Landfill gas sa Olongapo inireklamo

0 357

INIREKLAMO ng mga residenteng nakatira malapit sa sanitary landfill sa lungsod ng Olongapo ang nakakasulasok na usok na kanilang nalalanghap na nagmumula sa tambakan ng basura.

Ayon sa mga apektadong residente ng Barangay New Cabalan at Kalayaan na nakapanayam ng Abante, peligroso umano ang hatid nito sa kanilang kalusugan dahil sa usok mula sa landfill kaya nananawagan sila sa lokal na pamahalaan ng lungsod na aksyunan ang kanilang matagal nang ini­rereklamo.

Araw-araw umano ay nagbubuga ng usok mula sa naipong methane gas ang naturang landfill na tila napapabayaan na ang operasyon.

Nangangamba ang mga resi­dente, na sa pagpapatuloy na pag-usok ng landfill ay posibleng magkaroon ng pagsabog dahil sa naipong methane gas sa naturang dumping site.

“Nananawagan kami kay acting City Mayor Lugie Lipumano, kawawa po ang aming mga anak na nagkakasakit na at nahihirapang huminga at nangangamba po kami sa idudulot na pinsala ng methane gas” ayon pa sa isang residente.
(Jojo Perez)