Una sa Balita

Land Bank sagabal sa programa ng Duterte admin?

0 421

Panahon na upang kastiguhin ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang Land Bank of The Philippines na siyang balakid sa mga programa ng administrasyon.

Una sa mga hinahadlangan ng Land Bank ay ang jeepney mo­dernization program na naglalayong isamo­derno ang lahat ng pampasaherong jeepney sa bansa na uunahin dito sa Metro Manila.

Matagal nang nagre­reklamo ang mga transport group tulad sa mga panayam kay Efren De Luna ng ACTO na malabo silang makasunod sa modernization dahil hindi sila makapag-loan sa Land Bank.

Malabo kasing makautang ang mga pangkaraniwang. jeepney driver-operator sa Land Bank upang bumili ng mga bagong pampasaherong sasakyan.

Inirereklamo ng mga transport group na napakahirap ng mga requirement na ibinibigay ng Land Bank.

Kung talagang gusto ng Land Bank na suportahan ang prog­rama ng Pangulo na jeepney modernization ay sapat na upang alamin na kung lehitimong driver at miyembro ng isang transport group.

Marami na ring mga magsasaka ang nagrereklamo sa Land Bank dahil hirap silang makautang sa Land Bank dahil sa napakahirap na requirements.

Malinaw naman na ang isa sa mandato ng Land Bank ay maging katuwang ng gobyerno sa paglilingkod sa taumbayan.

Dapat ay suportahan mismo ng Land Bank ang lahat ng programa ng gobyerno at hindi sila tumulad sa ibang pribadong bangko na mahigpit ang proseso sa pagpapautang dahil mas prayoridad ng mga ito na kumita ang kanilang kompanya o korporasyon.

Sana ay kastiguhin ng Pangulo ang Land Bank upang tumino at kanilang ayusin ang mga sistema lalo na sa pagpapautang at pagtulong sa mamamayang Pilipino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy