Una sa Balita

Lanao del Sur mayor tinambangan, 3 sugatan

0 384

NAKALIGTAS sa pananambang si Masiu, Lanao del Sur Mayor Nasser Pangandaman Jr. habang sugatan naman ang police escort nito at dalawang iba pang kasamahan, sa Barangay Gata, Buadipuso Buntong kahapon nang umaga.

Mula umano si Pangandaman sa Marawi City at pabalik na sana sa kanyang opisina nang harangin ng mga armadong suspek ang kanyang convoy dakong alas-10:30.

Tinamaan ng bala sa tiyan si PCpl. Jabbar Romato Pangandaman habang sa tuhod si Jamal Gabriel Pangandaman at sa pwet si Casanoding Mangandog na pawang sakay rin ng sasakyan ng alkalde.

Nasa maayos nang kondisyon ang mga biktima at nagpapagaling sa pagamutan.
Nagsasagawa na ng operasyon ang mga awtoridad para sa pagkaaresto ng mga suspek. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy