Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lanao del Sur Kapitolyo ni-lockdown

0 96

INI-LOCKDOWN ng mga awtoridad ang Lanao del Sur Provincial Capitol Complex sa Marawi City matapos itong paputukan ng sunod-sunod ng hindi pa nakikilalang mga suspek na pinaniniwalaang mula sa kampo ng mga supporter ng magkalabang kandidato sa pagka-mayor sa bayan ng Butig kahapon ng umaga.

Hindi pa malinaw sa pulisya ang dahilan ng putukan pero nauna nang napaulat na bago mangyari ang insidente ay may naganap ng kaguluhan sa lugar sa pagitan ng mga supporter nina reelectionist Butig Mayor Dimnatang Pansar at kalaban niya na si Potresam Mona Macadato.

Pinalagan umano ng isang grupo ng mga supporter ang paglilipat ng mga vote-counting machine (VCM) mula sa ba­yan patungong provincial complex.

Inaalam din ng mga awtoridad kung pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang paglilipat ng mga makina patungo sa provincial capitol complex.

Samantala, dalawang tangke ng militar ang dumating sa lugar upang tulungan ang mga pulis na mahadlangan ang posibleng bakbakan ng dalawang grupo.

Guwardiyado ng mga sundalo at pulis ang lugar habang iniimbestigahan ang nasabing insidente.
Nauna rito’y anim ang nasawi sa Lanao del Sur sa araw ng eleksiyon noong Lunes at may kinalaman umano sa halalan ang nasabing karahasan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.