Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lanao del Sur, Bacolod nilagay sa MECQ

0 375

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Lanao del Sur at Bacolod City simula September 8 hanggang September 30.

Alinsunod na ito sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 sa mga nabanggit na lugar.

Inaprubahan din ng IATF ang kahilingan ng Region VI, Iligan at Lanao del Sur na suspendihin ang inbound travel ng mga locally stranded individual.

Pinayagan din ang paggamit ng antigen test bilang substitute sa RT-PCR bilang pre-boarding requirement para sa mga asymptomatic domestic tourist bago umalis at bibiyahe sa kanilang destinasyon o kaya ay bago pumasok sa lugar alinsunod sa mga protocol ng local government unit. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.