Una sa Balita

Lanao del Norte mayor, 8 iba pa huli sa gun ban

By
0 348

NASA kostudiya nga­yon ng pulisya si Pantar, Lanao Del Norte Mayor Jabar Tago makaraang makuhanan ng baril sa loob ng kanyang sasakyan sa isang checkpoint sa Barangay Tomas Cabili, Iligan City.

Nakuha sa alkalde at walong kasama nito ang isang M16 rifle, MP5 mini rifle, kalibre .9mm at .45 pistol.

Sa nakalap na ulat mula kay Supt. Surki Serenas, PRO-Northern Mindanao spokesperson, sa walong kasama ng alkalde, dalawa umano rito ang bagitong pulis na nakilalang sina PO1 Johaimen Tomondog Mohamad at Rasid Arumpac Lambay, kapwa nakatalaga sa Pantar Municipal Police Station, Lanao Del Norte, at nage-escort umano kay Tago.

Dakong alas-singko kamakalawa nang hapon nang harangin ng mga operatiba ang grupo ng alkalde at escort nito dahil sa nakitang mga baril sa kabila ng umiiral na election gun ban.

Nabatid na walang maipakitang Come­lec certification for gun ban exemption ang dala­wang pulis at clea­rance para maging VIP security escort sa isang politiko.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy