Una sa Balita

LANAO 12 BESES PANG INUGA

By
0 6

Ilang beses na niyanig ang Lanao del Sur gayundin ang Bukidnon, Ilocos Norte at Eastern Samar kahapon.

Mula alas-12:09 ng hating-gabi hanggang alas-10:04 ng umaga kahapon ay nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng labing-dalawang pagyanig sa Wao, Lanao del Sur.

Sa naturang 12 pagyanig, tatlong beses naitala ang Intensity 2 sa Kali­langan, Bukidnon na may isa hanggang anim na kilometro pasado alas-nuwebe ng umaga habang na-monitor ng Phivolcs ang Intensity 3 pasado alas-10:00 ng umaga.

Sinasabi ang sunud-sunod na lindol ay bahagi pa rin ng naunang magnitude 6.0 na lindol nuong Abril 12 bunga ng paggalaw ng aktibong fault sa Mindanao.

Samantala, dakong alas-7:28 ng umaga nang maitala ang magnitude 4.4 na lindol sa Pagudpud, Ilocos Norte na may lalim na 25 kilometro.

Nakaranas umano ng Intensity 4 na pagyanig ang mismong bayan ng Pagudpud habang nasa Intenstiy 3 sa Bangui, Intensity 2 sa Pasuiquin at Intensity 1 sa Laoag City.

Nauna rito, dakong alas-6:34 ng umaga nang maitala naman ng Phivolcs ang magnitude 3 sa Borongan, Eastern Samar na may lalim na 19 na kilometro. Naramdaman umano ang Intensity 1 sa Borongan.

Pawang mga tectonic ang origin ng mga natu­rang lindol kung saan wala ng inaasahan ang Phivolcs na aftershocks o malalaking pinsala.