Una sa Balita

Lampas P30M nakataya sa World Pitmasters Cup

0 633

MAGRARAMBULAN sa premyong P30 milyon ang nasa 400 entry sa January edition ng 2020 World Pitmasters Cup (WPC) 9-Cock International Derby.

Muling maghaharap ang mga kilalang sabungero ng bansa sa ika-13 edisyon ng naturang derby kabilang sina World Pitmasters Cup promoter Charlie ‘Atong’ Ang, Gerry Ramos, Ako Bisaya Party-List Rep. Sonny Lagon, RJ Mea at Agusan del Sur Rep. Eddiebong Plaza sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Magsasagawa ng apat na sunod na 2-cock elimination round sa January 29-February 1 (Set A-D).

Sasambulat naman ang two-day 220k Pot Money 10-Cock Big Event sa February 3-4.

Nakatakda ang pot money ng January WPC sa P88,000 habang ang minimum bet ay P55,000.

Aabot sa P30M ang paghahatian ng mga magwawagi sa nasabing International Cock Derby na may weight limit na 1.9 hanggang 2.5 kgs.

Inihahandog ng Resorts World Manila sa pakikipagtulungan ng Thunderbird, THOR MD, Excellence Poultry and Livestock Specialist, VNJ Distributors, Experto Gamefowl Products at Rusi Motorcycles ang 2020 World Pitmasters Cup (WPC) 9-Cock International Derby at sanction ng Games And Amusements Board.

Para sa mga cockhouse reservation at iba pang detalye, kumontak sa 0915-1527975.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More