Una sa Balita

Lampas 50 teams sa 8th LGR Hoops

0 252

LAMPAS 50 teams, kabilang ang limang kampeon sa kanila-kanilang kategorya, ang mga aariba sa LGR Hoops Season 8 2020 na magsisimula sa Pebrero 22 sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong.

Magdedepensa ng titulo rito ang PNB Sa­vings Bank, Colmax Collagen, CW Green, TBD at Royal Manila.

Muling sasalang ang PNB Savings Bank, ang koponan ni late Bong Tan, sa liga upang magbigay pugay sa kanilang departed businessman/sportsman na pumanaw sa nakaraang taon.

Reigning champions ang Bankers sa corporate division sa event na mga ihahatid ng Zarks Burger, Ascorbic Acid Poten-Cee, Stonehill Suites, Gatorade, Agent Snake, Ybalai Builders, D & D Media Photography, Exile at SYF.

Kampeon sa 5-foot-8 and below division ang Royal Manila habang TBD naman ang may hawak ng titulo sa Novice category. Magtatanggol din ng krona ang CW Green sa Neophyte at Colmax Collagen para sa Icon.

Ang LGR Hoops ang naging tahanan rin ng mga celebrity ballers kagaya nina Nyoy Volante at Boom Labrusca. Kahit ang mga ex-collegiate at commercial league players ay naglalaro tuwing weekend sa fastest growing recreational basketball league na ito. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More