Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lampas 400 armas nakumpiska sa Bilibid

0 176

Nagsagawa ng clearing operation ang mga kawani ng Bureau of Corrections (BuCor) sa New Bilibid Prison (NBP) nitong Biyernes.

Sa naturang operasyon na pinanguhanan ni BuCor director general Gerald Bantag, aabot sa 400 armas ang kanilang nakumpiska mula sa mga preso.

Bukod sa mga sandata, giniba rin ng BuCor ang tinatayang abot sa 500 kubo, o binansagang kubol sa Bilibid.

Ginagamit umano ang mga kubol bilang taguan ng mga armas ng mga preso. Bukod pa rito, sa mga kubol din umano tinatago ang ilang kontrabando na mahigpit na pinagbabawal sa loob ng piitan.

Nabuking din ng mga awtoridad ang tinatagong cellphone ng mga preso sa kulungan.

“The BuCor administration is geared towards providing the Persons Deprived Liberty (PDL) a wholesome and contraband-free environment,” ayon sa pahayag ng BuCor.

Ang mga preso naman na tumitira sa mga ginibang kubol ay ilalagay sa bagong kumpuning gusali sa loob ng NBP. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.