Una sa Balita

Lampas 11K crowd saksi sa pagdurog ng Gins vs Magnolia

0 398

SA harap ng 11,146 paying fans na dumagsa sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi, itinuloy ng Ginebra ang elimination round domination sa Magnolia Ang Pambansang Manok.

Kumaripas sa second half ang Gin Kings para kumpletuhin ang kumbinsidong 105-83 win laban sa defending champions.

Tumabo si Justin Brownlee ng 27 points, 9 rebounds, 10 assists, 4 steals at 2 blocks kontra 1 turnover lang sa loob ng halos 40 ½ minutes para ihatid ang Gins sa 3-2 card at solo-fifth sa Governors Cup.

May 14 points at 7 rebounds si Scottie Thompson, 14 markers din kay Japeth Aguilar at 11 mula kay Stanley Pringle.

Mahalagang 9 points ang kontribusyon ni Jeff Chan, nilista lahat sa second half at lahat din ay mula sa perpektong 3-point shooting nang kumalas ang Ginebra.

Sa kabuuan, bumitaw ng 16 for 31 mula sa labas ng arc ang Gins. Apat sa snipers ni coach Tim Cone ang kumonekta ng tatlo o higit pa sa long range – sina Brownlee (4 for 6), Thompson (4-6), Chan (3-3) at Pringle (3-6).

May pinagsamang 11 assists sina Pringle at LA Tenorio na may 9 points din.

Ayon kay PBA chief statistician Fidel Mangonon III, pang-11 sunod na conference nang inaari ng Ginebra ang Magnolia.

Tinagay ng Gin Kings ang pang-14 na panalo sa Hotshots sa huling 19 meetings mula pa sa Game 6 ng 2017 Philippine Cup best-of-seven semis. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy