Una sa Balita

Lampas 10M premyo sa BC 9-Stag Derby series

0 431

Lilipad sa tatlong sabungan ngayong Lunes ang P10M+ “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” series, tampok ang sa Metro Manila na 2-stag elims sa Pasay City Cockpit na may 60 kasali sa pangunguna ni sabong idol Patrick Antonio na may 4 na bet.

Nagbakas na ng 398 entries ang PCC para sa LBC series na mga prisintado ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000. Siyapol ang set C pa sa Agosto 19 at 23.

Sa Lucena Cockpit Arena sa Quezon ­Province naman ang mga sultada para sa Quezon Breeders Club (QBC) na tatrangkuhan nina Honey Yu at Kaka Laborte. At si Doc Nino Mabanta ng FOMCC ang punong abala sa Manila Cockers Cub (MCC) elims sa Carmona, Cavite.

Tuloy ang mga tukaan bukas sa Dragon Cockpit Arena sa Mindoro, Texas Cockpit Arena sa Marikina at Manila Cockers Club sa Cavite.

Sa iba pang mga kabatiran, makipag-ugnayan kay Erica sa 0945-4917 474, kay Ace sa 0939-4724 206, 843-1746 at 816-6750. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy