Una sa Balita

Lampas 100 sultada sa ‘Alexander 4-Stag’

0 362

DAHIL sa walk-in entries, dumami pa ang kasali sa “Alexander 4-Stag Derby” sa Las Piñas Coliseum sa Miyerkoles, Oct. 16.

Ayon kay coliseum manager Alex Tobias, derby host, may 100 hanggang 120 sultada ang inaasahan sa Miyerkoles at ala -una ang umpisa ng bakbakan.

Ilan sa bagong kasali ang Wonderboy entry, Toto Baltazar, Butchoy Wacnang, Engr. Rene Pinuelas, Raymond Henry, Ryan Alaon, Junjun Screener, Larry Alvarado, Jun Ocampo, Engr. Bitoy, Vetsin Elorde, Philip Camigla, Jethro Negligencia, Jessie Marquez, Royalty group at Boss Rox.

Itinakda ang entry fee sa P11,000 at aabot sa P500,000 ang garantisadong premyo.

Ipinaalala ni Tobias ang submission ng stags FIGBA Bakbakan at PFGB Digmaan sa Martes, Oct. 15.

Bitaw naman ang “Bos Rox 4-Stag Derby” sa Oct. 26.

Para sa detalye: 873-1040, 0929-1800960 (Grace 1), 0939-1376455 (Grace 2) o 0915-3582076 (Julius). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy