Una sa Balita

Lampacan magpapasiklab

0 398

ASINTA ng Igorot miner at muay thai champ na si Lee Ariel Lampacan ang gintong medalya sa paparating na 30th Southeast Asian Games.

Todo paghahanda ang Itogon, Benguet pride matapos makakuha rin ng ginto sa International Federation of Muay Thai Associations World Championship noong nakaraang taon sa Mexico.

Galing din ang 29-anyos na si Lampacan sa pagsungkit ng World Muay Thai Charity Asia Bantamweight championship belt nang pabagsakin si B Kwok ng Hong Kong.

Bukod sa bitbit niya ang pride ng pagiging Igorot ay dala rin niya ang kanyang dedication sa pakikipaglaban kahit kulang ang pinansyal na suporta. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy