Una sa Balita

Lamig sa Baguio City, 7.3°C

By
0 14

BAGUIO CITY — Dobleng bonnets, med­yas at mga jackets ang bumabalot ngayon sa mga mamamayan ng lungsod matapos na maitala ang 7.3 degrees celsius na temperatura o medium level ng refrigerator.

Sa kabila nito ay wala pa namang naiuulat na pamumuo ng frost bites o andap sa mga karatig na lugar na Benguet dahil umano sa sinasabayan ng malamig na hangin ang malamig na klima.

Ayon sa PAGASA-Baguio, ang pagtindi ng lamig sa lungsod ay dulot pa rin ng lumakas na hanging amihan na nagmumula sa Siberia at ang climate change kung saan mararanasan ang extreme changes sa klima.

Payo naman ni Dr. Rowena Galpo, pinuno ng Baguio City Health Department sa publiko na panatilihing normal ang temperatura ng katawan upang maiwasan ang ­respiratory diseases tulad ng pneumonia, trangkaso, respiratory infections at asthmatic attack.

Dagdag pa ng doktora, maganda rin ang pag-eehersisyo sa umaga upang uminit ang katawan.