Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LaMelo ‘di hapi sa Charlotte

0 158

Tuwing magsasalita sa media si LaVar Ball palaging napag-uusapan ang kanyang komento sa National Basketball Association (NBA) dahil sa tatlong anak na player sa liga.

Kilalang madaldalk ang American businessman at former professional football player na laging ipagmalaki ang kanyang mga anak na sina New Orleans Pelicans point guard Lonzo, shooting guard LiAngelo at Charlotte Hornets point guard LaMelo.

Sa pinakabagong putak ng 53-year-old, Los Angeles, California native, shock ang fans sa siwalat niyang hindi masaya ang kanyang anak na si LaMelo Ball sa pagiging off the bench player sa Hornets.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“My thing is, he ain’t happy with that, but he ain’t going to show that,” bulalas ni LaVar sa TMZ Sports nitong Sabado. “If I train you to be the best and always been starting all your life — here is what they don’t get. My boys are not freakin’ role players. They superstars! Let them do what they do.”.

Sa loob 15 games sa 75th NBA 2020-21, umukit ng history si LaMelo, 19, bilang pinakabatang nagtala ng triple-double at may average na 15.6 points, 7.4 rebounds at 7.1 assists.

Pero bumaba ito ilang huling mga laro at binara agad ang ama ng mga basketbolista ni Hornets coach James Borrego, na ang turnovers ni LaMelo aniya ang dahilan. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.