Una sa Balita

Lambingan sa NYC: Pia binuking sa IG ng bagong boylet

0 686

Mukhang hahabol sa Valentines’ fever ang love life ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach! Eh kasi naman base sa obserbasyon ng mga netizen, napapalalim na yata ang samahan ng beauty queen at ng model/entrepreneur na si Jeremy Jauncy.

Hindi kasi nakaligtas sa matatalas na mata ng mga netizen ang mga IG story na kanilang ipino-post. Hinala ng mga netizen, magkasama ang dalawa ngayon sa Brooklyn, New York.

May post kasi si Jeremy ng kanyang brunch (breakfast and lunch) date nila sa Dumbo House. Sa picture na ‘yon, makikita na dalawang pastry ang in-order ng model at may background pa na brown leather jacket habang may nakalapag na pink hand bag sa mesa, na palagay ng mga netizen ay pag-aari nga ni Pia.

Kaya naman nasabing kay Pia ‘yong mga gamit na ‘yon, ibinahagi rin kasi ng reyna ang parehong litrato na iba lang ang caption.

“Cos it’s a Sunday (heart emoji),” caption ni Pia
“The best Sunday brunch,” caption naman ni Jeremy.

Bukod pa riyan, mayroon isa pang upload si Pia sa IG story kung saan naka-tag pa ang location ng Dumbo, Brooklyn.

Gayunpaman, wala pa silang pino-post na picture na magkasama sila, pero suspetsa ng mga netizen na si Je­remy nga ang maaring bagong nagpapatibok ng puso ngayon ng beauty queen.

Matatandaang bago matapos ang 2019 ay nakumpirma ang break up ni Pia Wurtzbach sa racer ex-boyfriend na si Marlon Stockinger. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More