Una sa Balita

Lambingan sa ‘bed’, binawal ng mga pari kina Ai Ai-Gerald

By
0 7

Napatunayan na ni Ai Ai delas Alas na hindi porke may pre-nuptial agreement ang ikakasal ay garantiya nang tatagal ang isang kasal. Nagkaroon na rin siya ng ganoong set up sa dalawang unang kasal pero nasira rin ang samahan nilang mag-asawa.

“Hindi guarantee na ‘pag may pre-nup ka, hindi ka makukuhanan ng pera! Totoo ‘yon. May pre-nup ako dati. ‘Pag gusto kang lokohin o huthutan…Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Ai Ai sa po pocket interview niya kaugnay ng coming movie niyang Bes and the Beshies.

Hindi ang bagay na ‘yon ang nasa isip niya sa nalalapit na kasal nila ni Gerald Sibayan. May pinirmahan silang agreement pero sinabihan siya ng lawyer na huwag pag-usapan.

Abante Hiring – IT dep

“Hindi ‘yon ang wino-worry ko ngayon. Saka natutunan ko rin na always nasa center ninyo si Lord. Totoo ‘yon. Noon kasi puro kami-kami lang,” katwiran ng Comedy Queen.

Wish din niya siyempre mabuntis uli. “Marami namang paraan,” saad niya. “Walang problema sa egg (cell)! Ha! Ha! Ha!” dugtong niya.

Teka, sino ang mas aggressive sa kanila ni Gerald sa bed?

“Bawal ‘yon sa amin! Bawal pa. ‘Pag kinasal na,” rason niya.

So celibate siya bago ikasal?

“Oo! Wow!” deklara ni Ai Ai.

Para sa kanilang honeymoon, pinili ni Ai Ai na sa Europe pumunta dahil regalo ito ng isa nilang ninong. Isa rin si Congressman Vilma Santos-Recto bilang ninang.

Anyway, magsisilbing pre-wedding gift ni Ai Ai ang Bes and the Beshies at ngayong araw na ito, Linggo, premiere telecast ng comedy show nila ni Vic Sotto na Bossing & Ai.

First time din siyang maidirek ni Joel Lamangan habang reunion nila ni Ricky Lee na gumawa ng script. Si Lee ang nagsulat ng script ng ginawa niyang comedy concert na I Who Have Nothing.

Alindog ni Max Collins, palaban din kina Rhian at Lovi!

Magkakaalaman na kina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos ang fashionista pagadating sa kanilang OOTD (outfit of the day) na ididispley sa coming GMA series na #KuwentuhangEx.

Naku, kahit sabihin nilang ayaw nila ng kumpetisyon, tiyak na pagsasabungin sila ng kanilang followers once umere na ang Maryo J. delos Reyes comedy-drama, huh!

Eh, kelan lang, without knowing it, naglaban sa paseksihan sina Lovi at Rhian sa pagsusuot ng two-piece bikini habang nasa ibang bansa. Fiesta talaga ang mga mata ng kalalakihan sa alindog nilang dalawa.

Siyempre, hindi patatalo pagdating sa kaseksihan si Max kahit na nga ikakasal na sila ni Pancho Magno sa Disyembre, huh!