Una sa Balita

Lamay pinaulanan ng bala: Sundalo bulagta, barangay captain at tanod duguan

By
0 483

PATAY ang isang sundalo habang sugatan naman ang kapitan ng barangay at isang tanod makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa isang lamay ng patay kamakalawa nang gabi sa bayan ng Buhi, Camarines Sur.

Dead on-the-spot matapos magtamo ng isang tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo si Sgt. Benito Bien, 45, miyembro ng Philippine Army na nakatalaga sa Bicalen sa bayan ng Presentacion, habang patuloy na inoobserbahan sa Doña Maria Josefa Foundation Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan sina Barangay Dela Fe chairman Tonyben Tabalde at tanod na si Mario Ibanita.

Sa ulat na ipinadala ni Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol region PNP, naganap ang insidente sa isang lamay ng patay ng isang Christian Ramirez sa Sitio Rakitan, Barangay Dela Fe ng nabatid na bayan.

Napag-alaman na kasalukuyang nag-iinuman sa isang lamesa ang mga biktima nang bigla na lang silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek gamit ang hindi pa rin batid na kalibre ng baril.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy