Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lalaro pa o retiro na: Pingris binitin Magnolia

0 138

TITINITIMBANG na ni Marc Pingris kung panahon na para isabit ang jersey, o kung hihirit pa ng isang taon.

“Hindi kon naman pinipilit katawan ko, pero panay ang rehab para makabalik pa,” ani Pingris, 39, nitong Linggo.

May hanggang March 20 siya para mag-desisyon.

“Part ng mind ko, sinasabi, ‘Okay na. P’wede na magpahinga.’ ‘Yung isang parte nagsasabi, ‘Subukan mo pa,’” dagdag ng 6-foot-4 veteran forward ng Magnolia Hotshots mula sa Pozorrubio, Pangasinan.

Nasubukan sana niya noong nakaraang taon pero dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi nakasama sa kampanya ng Pambansang Manok sa PBA Philippine Cup sa Clark bubble.

Inakala niyang sprain lang ang inabot sa ensayo pero knee injury na pala. Naging left calf muscle injury pa dahil nabubugbog ang kaliwa.

SM food to go Banner Ad

Dahil sa lockdown, hindi nakapagpagamot nang maayos si Pinoy Sakuragi.

“Tumatawag sa PT (physical therapist) namin, pinatingnan sa ibang doctors online,” dagdag ni Ping. “Pero nabigla kami. Wala akong gamit sa bahay kaya mahirap.”

Maayos naman ang takbo ng rehab. Nakakalimang rounds na aniya siya ng jogging sa kanilang subdivision, limang araw kada linggo nagwo-workout sa bahay at sa gym sa ilalim ni coach Aldo Panlilio.

“Pinapakiramdaman ko katawan ko. Kailangan palakasin ulit,” panapos ng basketbolista. (Vladi Eduarte)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.