Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lalantad na sa Otso/Otso: ‘Noy patuloy ka naming ipagmamalaki, mamahalin’ – Kris Aquino

0 66

Nanariwa ang lungkot sa apat na minutong video na pinost ni Kris Aquino sa kanyang Facebook page.

Alas-Dos ng madaling araw nang mag-post si Kris sa FB, bilang pag-alala sa kamatayan ng kanyang ina na si former President Cory Aquino, at sa ika-40 araw rin ng pagkamatay naman ng kanyang Kuya, si former President Noynoy Aquino.

Mapapanood sa video ang pagkamatay rin ng kanyang ama, si Ninoy Aquino. Na sinundan ng mga video ng rally ng mga Pilipino, at pagiging presidenta nga ng kanyang ina, sa pagkamatay nito, at napunta sa pagiging presidente rin ni PNoy, at sa pagkamatay nito.

Heto nga ang mensahe ni Kris:
“Mom I am sure won’t mind that we are posting this at 2 AM (the hour she died), on the day of her 12th death anniversary, because on August 2, it will be the 40th day since Noy’s death.

“Maraming nilalaman ang puso ko na gusto kong ibahagi sa inyong lahat… sure ako marami ang nagtatataka bakit wala kayong nakitang post, napanuod na interview, o nakitang moment na ako ang nagsalita on behalf of our family.
“But, now is still not the right time for me… naghihintay pa ko ng “go signal” from him- i know my brother will find a way to let “bunso” know when it’s time for all of you to hear the story from me of our journey- simply because all of you are a very special part of our journey, one i believe is a continuing one.

“Sa inyo pong lahat, maraming salamat dahil pinaramdam nyo sa aming apat, kay Ate, Pinky, Viel, at sa ‘kin na hindi kami nag-iisa sa aming paniniwala that we were truly blessed to have Noy as our brother- na habang buhay naming IPAGMAMALAKI, PASASALAMATAN, HAHANAP HANAPIN, at MAMAHALIN.

“Though still so painful, we know how blessed we were to have been born as the children of Ninoy and Cory, and the sisters of Noynoy Aquino.”

At kahit madaling araw nag-post si Kris, gising na gising ang mga follower niya, na isa-isang nagbigay ng mensahe. Na ang iba ay sinagot ni Kris.

Luzviminda Minel, “Yes indeed Kris! We owe so much to the Aquino family from Senator Ninoy , President Cory and President Pnoy the democracy that your father fought and died for! From President Cory and PNoy who gave us good governance with decency, honesty, loyalty and integrity!”

“Luzviminda Minel wrong – kami ang may utang na loob sa inyo because nakita niyo ang totoong laman ng puso namin and kahit sinubukan siraan at baguhin ang kasaysayan- nilaban niyo kami, ang binigay ng mom & dad ko at ang mga na achieve ng kuya ko. Ano ang mahihingi namin? Kaya thank you for believing in them and fighting for them because you made everything worth it!”

Sabi naman ni Lourdes Najera Tolentino, “Happy 12th year in heaven Madam Cory and 40th day President Noy…keep strong miss Krissy.”

“Lourdes Najera Tolentino that’s why nanahimik kasi alam i needed time… Babalik na, a week from today. Because it’s what would make my mom happy, she raised me to be strong – and my sons need the reassurance na kaya kong magpaligaya ng tao most especially now,” sagot ni Kris.

Mensahe naman ni Sheila Celada Canlobo, “This made me cry. May his soul Rest in Peace. The goodness of his soul will always stay in our hearts because he was truly a gem. Thank you Aquino Family for everything you have done for our country and the Filipino people. Thank you for sharing this.”

“Sheila Celada Canlobo thank you sa privilege for allowing us to be a part of your lives,” sagot naman ni Kris.
Pahayag naman ni Mercidyl Thurfjell, “Take your time Kris Aquino. I felt desolate w/ Pnoy’s passing, felt something missing in my life. I didn’t know him personally but felt so. I pray that you & your sisters, the rest of your family& friends & we the rest of those who care & appreciate what Pnoy had done for the nation would eventually come to terms w/ our loss.”

“Mercidyl Thurfjell slowly,” sabi ni Kris.
Mensahe rin ni Felicidad Hermosisima, “It is really a sad day for all of us who were inspired by your family! He is really the best of all!”

“Felicidad Hermosisima let’s be sad & happy because for sure he’s happy.”

At sa mga nagtatanong kung kailan babalik si Kris?

Sabi kasi ni Drew L Castellano, “Great job Aquino’s Leadership…Love to see you Kris in the senate.”
“Drew L Castellano no, not yet. But see you sa 8/8.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.