Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lalamove rider tigok sa bangga ng trak

0 99

NASAWI ang isang rider ng Lalamove nang makasalpukan nito ang isang truck na nag-u-turn sa Tagaytay City, Cavite Martes ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Gabriel Lacanaria, nasa wastong edad. Hawak naman ng pulisya ang driver ng Isuzu truck na may conduction sticker D10381 na si Bernardo Aguzar.

Sa ulat ni Corporal Cipriano Contreras, ng Tagaytay City Police, alas-9:20 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente.

Kapwa bumabagtas ang biktima at suspek sa Tagaytay-Aguinaldo Highway sa Tagaytay City north direction patungo sa Maynila.

Minamaneho ng biktima ang motorsiklong Yamaha Aerox habang Isuzu truck naman ang suspek nang magsalpukan ang dalawang sasakyan pagsapit sa Brgy Maitim II kung saan tumilapon si Lacanaria sa kabilang linya ng kalsada na siya niyang ikinasawi. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.