Una sa Balita

Lalaking tadtad ng tattoo tinapon sa palaisdaan

0 348

NATAGPUAN sa gilid ng palaisdaan ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na biktima ng summary execution, kahapon sa Malabon City.

Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), inilarawan ang biktima na nasa edad 35-45, may taas na 5’5, katamtaman ang pangangatawan at kayumanggi ang kulay.

May mga tattoo ito ng ‘Sputnik’, ‘Joan’, ‘Berlin’, ‘John’ at ‘Rick’ sa kanang itaas ng puwit; pangalang ‘Joh Alden’, ‘Rowena’ at hugis puso sa kaliwang kamay, ‘dragon’ sa magkabilang hita, at imahe ng ‘Na­zareno’ sa likod ng katawan.

Ayon kay P/SSg Richard Andrew Calalay, dakong alas-sais nang umaga nang makita ng isang concerned citizen ang biktima na nakahandusay sa gilid ng palaisdaan sa kahabaan ng Kagitingan St., Brgy. Muzon, Malabon City.

Kaagad namang ipinagbigay alam ito ng naka-kita sa Police Community Precinct (PCP) 5 na mabilis na nagresponde.

Piniringan ng masking tape ang mga mata ng la-laki at ang leeg ay may nakapalupot na nylon cord.

Namatay sa sakal ang biktima dahil wala itong sugat sa katawan na binaril o kaya’y sinaksak.

Hinala ng imbestigador, posibleng taga-ibang lugar ang lalaki at itinapon lang sa Malabon upang iligaw ang imbestigsyon ng pulisya.

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng biktima. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy