Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lalaking sumuko na sa droga, balik selda

0 52

Muling ikinulong ang isang lalaking dating sumuko dahil sa iligal na droga, nang makuhanan ito ng aabot sa P65,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Surigao del Sur.

Pinasok ng mga pulis sa bisa ng search warrant ang bahay ng suspek na kinilala lang na alyas Gaga, 43-anyos, taga Barangay Rizal, bayan ng Barobo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakuha sa kanya ang walong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 5.68 grams. Nasamsam din ang ilang kagamitan na may kinalaman sa droga.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.