Una sa Balita

Lalaking papasok sa trabaho nalasog ng tren

By
0 510

Patay ang isang lalaki matapos na masagasaan ng tren habang papasok sa trabaho kahapon nang umaga sa Pandacan, Maynila.

Nagkalasog-lasog ang katawan ng biktimang si Remy Orlino, na umano’y trabahador ng isang kilalang construction site.

Ang biktima ay nakilala sa pamamagitan ng identification card (ID) ng construction site.

Ayon sa Manila Police District (MPD), dakong alas-6:20 ng umaga nang maganap ang aksidente sa riles na malapit sa Pandacan station ng Philippine National Railways (PNR) sa Pandacan.

Nabatid kay P/Insp. Genesis Aliling ng Beata Police Community Precinct (PCP), tumatawid umano ang biktima sa riles nang masagasaan ng tren, na may body number 9, at galing ng Alabang, patungong Divisoria.

Napansin umano ng mga resi­dente sa lugar na tila tulala ang biktima habang tumatawid, at hindi inalintana ang malakas na pagbusina ng paparating na tren, sanhi upang masagasaan ito at madurog ang katawan.

Nabatid naman kay PNR spokesperson and operations manager Joseline Geronimo, hindi rin umano napansin ng operator ang biglang pagtawid ng biktima kaya’t hindi na nito nagawa pang makapagpreno.

Kinailangan pang takpan ng mga dahon ng saging ang bangkay ng biktima dahil sa tindi nang pinsala na tinamo ng katawan nito.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More