Una sa Balita

Lalaking nagpasabog ng molotov bomb sa tapat ng GMA-7 dinampot

By
0 577

ARESTADO ng pulisya ang isang lalaki matapos pasa­bugin ang dalang molotov bomb sa harapan ng gusali ng GMA-7 sa Quezon City, kahapon nang umaga.

Ayon sa guwardiya ng nasabing estasyon, nagawa nang sindihan ng hindi pa nakikilalang lalaki ang isa sa limang pampasabog na dala nito, bago pa man makaresponde ang kanilang mga security personnel.

Rumesponde rin sa lugar ang mga pulis mula sa Quezon City Police District (QCPD) na umaresto sa lalaki, dinala ito sa QCPD Station 10 at nakuha sa kanyang pag-iingat ang iba pang dalang pampasabog.

Iniimbestigahan ang pagkakakilanlan ng lalaki na nabatid na sumisigaw ng “Demokrasya” at “‘Di ninyo ako pinapansin!”.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy