Una sa Balita

Lalaking nag-amok sa sobrang kalasingan, kalaboso

By
0 803

ISANG lango sa alak na factory worker ang nakikipagsiksikan ngayon sa kulu­ngan matapos na mag-amok sa kanilang lugar at pagbantaan pang papatayin ang mga pulis na umaawat sa kanya sa Valenzuela City kamakalawa nang gabi.

Sa ulat ng Valenzuela City Police Community Precinct II, ganap na alas-7:15 nang gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Matimias Street, Bara­ngay Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod.

Nakatanggap ng tawag ang nasabing himpilan hinggil sa pagwawala ng isang lalaki na kalaunan ay nakilalang si Rolando Pelaez Jr., 35-anyos, residente ng lugar.

Agad na rumesponde ang pulisya at doon nakita sa akto ang pagwawala ng suspek. Agad nila itong nilapitan at kinausap upang kumalma ngunit sa halip na huminahon na ay lalo pa itong lumala at pinagmumura pa ang mga pulis.

Isa sa mga pulis ang pinagbantaan ng suspek na papatayin.

Sa ngayon ay patong-patong na mga kasong Alarm and Scandal, Threat at Unjust Vexation ang kinakaharap ng suspek na nasa kustodya na rin ng Valenzuela City detention cell.