Una sa Balita

Lalaking nag-amok sa Batangas binaril ng 2 pulis, patay!

By
0 378

BINARIL ng mga pulis ang isang lalaking nag-amok matapos silang atakihin sa San Luis, Batangas, kahapon nang tanghali.

Nakilala ang napatay na suspek na si Louie San Jose, tubong Bulacan.

Ayon sa report ng Calabarzon police, nangyari ang insidente alas-12:30 nang tanghali sa Brgy. Banoyo.

Lasing diumano ang suspek na may bitbit ng itak at naghahamon ng away sa kanilang lugar.

Agad na humingi ng tulong ang mga opisyal ng barangay sa pulisya.

Pinakalama nina SPO1 Jonathan Malaluan at P03 Mark Raymond Cabesuela ang suspek bigla na lang silang inatake nito. Tinamaan si Malaluan sa likod habang sa kamay naman si Cabsuela.

Gayunpaman, nagawang paputukan ng dalawang pulis ang suspek na tinamaan sa likod.

Isinugod ang suspek sa Batangas Provincial Hospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Sabi ng mga pulis, may problema sa pag-iisip ang suspek. (Ronilo Dagos)