Una sa Balita

Lalaking binaril sa loob ng bus, suspek sa pagpatay sa lola

By
0 1,052

KINUMPIRMA kahapon ng pulisya na ang pasaherong binaril sa loob ng pampasaherong bus sa San Juan, La Union ay ‘primary supect’

sa pagpatay sa isang lola sa bayan ng Sudipen noong March 18 sa taong kasalukuyan sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Sudipen Police Station (SPS) commander Allan Alog, ang lalaking binaril sa loob ng bus na si Michael Macusi, ng Brgy. Poblacion, Sudipen ay isang drug personality at siyang suspek sa pagpatay sa isang 63-anyos na lola sa Brgy. Turod sa nasabing bayan.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ni Alog na nagsampa na ng kasong murder ang pamilya ng lola laban kay Macusi noong bago mangyari ang pamamaril sa kanya (Macusi).

Nauna dito, ayon sa SPS, may ‘foul play’ sa pagkamatay ng 63-an­yos na lola na natagpuan na lumulutang sa isang irigasyon noong March 18 sa bayan ng Sudipen.

Matatandaan na binaril si Macusi sa loob ng bus sa national highway ng Brgy. Ta­boc, San Juan, La Union noong April 3, Martes.

Sa ngayon, nagsasagawa ng follow-up investigation kung sino ang suspek na bumaril kay Macusi.