Una sa Balita

Lalaki todas sa engkuwentro sa Caloocan

0 288

Patay ang isang lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita habang naaresto naman ang isang kasama nito sa Caloocan City, Lunes nang gabi.

Hindi umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa panga si Mark Llanete habang kinilala naman ang naarestong suspek na si Fernando Pascual, 30-anyos ng No. 512, Esguerra Street, Tondo.

Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, bandang alas-9:40 Lunes nang gabi nang magsagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Caloocan Police Anti-Carnapping Unit sa kahabaan ng A. Mabini Street, corner Guido 4, Barangay 33, Maypajo nang maispatan ng mga ito ang tatlong lalaki na sakay ng isang motorsiklo.

Nang lapitan ang mga ito ni PCpl Philip Tizon, bumunot ng baril ang isa sa mga suspek subalit dahil sa nakaalerto ang mga pulis ay naunahan itong pinaputukan kaya’t tinamaan sa panga dahilan upang bumagsak sa semento.

Tumakas ang dalawang kasama nito na hinabol ng mga pulis hanggang sa makorner si Pascual pero tuluyan namang nakatakas ang isa nilang kasama samantalang isinugod si Llanete sa naturang pagamutan. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy