Una sa Balita

Lalaki tigok matapos lumamon ng sangkatutak na taco

0 284

BINAWIAN ng buhay noong Martes nang gabi ang isang lalaki matapos itong lumahok sa taco eating competiton sa Chukchansi Park sa Fresno, California.

Ang kompetisyon ay ginawa sa kalagitnaan ng minor league baseball game sa pagitan ng Fresco Grizzlies at Memphis Redbirds.

Nakilala ang biktima na si Dana Hutchings, 41, na biglang bumagsak matapos sumalang sa kompetisyon.

Binawian ito ng buhay sa Community Regional Medical Center sa Fresco.

Itinakda naman ang autopsy sa dahilan ng pagkamatay nito.

Ang kompetisyon ay hindi sanctioned ng Major League Eating, ang organisasyon na siyang nangangasiwa sa mga professional eating competition.

Sa kabila ng insidente, tuloy pa rin ang World Taco Eating Championship ngayong Sabado, Agosto 17 (oras sa Amerika).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy