Una sa Balita

Lalaki sinilaban sa gitna ng protesta

0 433

KRITIKAL ang kondisyon ng isang lalaki matapos siyang silaban habang nakiki­pagtalo sa isang grupo ng kabataan sa nangyayaring mga protesta sa Hong Kong.

Kinompronta ng biktima ang isang grupo ng mga pro-democracy protester kung saan siya sinabuyan ng flammable liquid at sinilaban, batay sa kumalat na video sa social media at CNN report.

Isang hindi kilalang la­laki ang sumisigaw sa mga protester ng: “You’re all not Chinese” dahilan kaya siya sinilaban.

Iniimbestigahan na ang insidente na nangyari noong Lunes sa Ma On Shan Subway Station sa New Territories.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy