Una sa Balita

Lalaki sa Thailand, minasaker ang 6 miyembro ng pamilya

0 556

Isang lalaki sa Thailand ang namaril at pumatay sa anim na miyembro ng kanyang pamilya matapos makipagtalo sa kaanak ng kanyang misis dahil sa pakikipag-inuman sa barkada noong Bagong Taon.

Kabilang sa binaril at napatay ni Sucheep Sornsung, 41-anyos, ang mga babaeng anak nito na may edad 6 at 9-taong gulang at dalawang lalaki at babaeng may edad sa pagitan ng 47 hanggang 71-anyos na pawang kaanak ng kanyang misis. Nagbaril din sa sarili ang suspek.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na galing sa inuman ng kanyang mga kabarkada si Sucheep at nang umuwi ito sa kanyang bahay sa Chumphon province, nakipagtalo ito sa miyembro ng pamilya ng kanyang misis hanggang sa humantong ito sa pamamaril ng suspek.

Nakaligtas naman ang asawa ni Sucheep at isa pang lalaki.

Bagama’t hindi naman lango sa alak, sinasabing ang kinikimkim na galit sa pamilya ng kanyang misis ang na­ging dahilan ng pamamaril ng suspek.

Si Sucheep ay minsan nang nakulong dahil sa drug-related case, pero wala pa itong rekord ng pananakit sa kanyang pamilya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy