Una sa Balita

Lalaki pinugutan ng ulo, dinukot ang puso sa Amerika

By
0 834

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang lalaki sa kamay ng isang kilabot na Latino gang matapos na saksakin nang 100 beses bago pugutan ng ulo, tanggalin ang puso at ibaon sa parke malapit sa capital ng Estados Unidos.

Ang biktima na hindi pa nakikilala, ay natagpuan ng pulisya na nakalibing sa Wheaton,­ Maryland, kalapit ng Washington DC, ayon sa statement­ ng Montgomery­ County Police Department.

Agad namang naa­resto ang 19-anyos na si Miguel Angel Lopez-Abredo, umano’y miyem­bro ng MS-13 gang at kinasuhan ng first-degree murder, habang hinaha­nap pa ang ibang suspek sa pagpatay.

Nabatid sa pulisya na noong panahon pa ng tagsibol isinagawa ang krimen pero noong Set­yembre lang sinimulan ang imbestigasyon matapos makatanggap ng tip hinggil sa taong pinatay sa loob ng parke.

Sampung katao umano ang sangkot sa krimen, kung saan naeng­ganyo nila ang biktima­ na makipag-usap sa parke bago isinagawa ang karumal-dumal na pagpatay.

Hindi pa alam ng pulisya ang motibo ng pamamaslang ng gang.

Ang Mara Salvatrucha, o MS-13, ay may 10,000 miyembro sa buong Estados Unidos at nagsisilbi silang ‘umbrella­ group’ ng tinatawag ‘clicas.’

Target ito ng crackdown ni US President Donald Trump dahil hindi­ lang ito responsable sa mga krimen, tumutulong din ito sa pagtawid ng mga latino sa Amerika. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy