Una sa Balita

Lalaki pinakain ng bala

By
0 330

Patay ang isang 45-anyos na lalaki matapos barilin sa bunganga ng riding in tandem suspect kamakalawa sa Sta. Ana, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Sta. Ana Hospital si Rogelio Moraleda alyas ‘Nognog’, taga-No. 2048 Pasig Line St., Sta. Ana, Maynila.

Sa imbestigasyon ni P/Insp. Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Setion, naganap ang insidente dakong alas-8:02 nang gabi sa nabanggit na lugar.

Nasa kalsada umano ang biktima at tumutulong sa kaanak na si Celita Manzano, 50, na hanapin ang apo nito nang daanan ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo saka binaril sa kanang bunganga bago mabilis na tumakas.

Mabilis namang tumawag ng tulong si Manzano at isinugod ang biktima sa Sta. Ana Hospital pero idineklarang dead on arrival.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng krimen.