Una sa Balita

Lalaki patay sa baha sa Marikina

By
0 170

Nakalutang sa baha ang isang 36-anyos na lalaki na natagpuan kahapon nang madaling-araw sa Barangay Nangka, Marikina City.

Natagpuan ang bangkay ni Dio­scoro Camacho, residente ng Barangay Nangka, Marikina City bandang alas-5:00 kahapon nang madaling-araw sa kahabaan ng Milflores St., sakop ng Barangay Concepcion Uno, na kung saan nasa 6-talampakan ang taas ng baha.  

Ayon sa kasama sa bahay ng biktima na si Ronnie Bernados, lumabas ng bahay si Dioscoro bandang alas-8:00 Sabado nang gabi para ilagay sa ligtas na lugar ang kanilang motorsiklo subalit hindi na ito nakabalik pa sa magdamag.

Abante Hiring – IT dep

Hinala naman ng Marikina Police na posibleng namatay ang biktima sa pagkalunod o sa kuryente dahil sa taas ng baha sa kanilang lugar habang kasagsagan ng malakas na ulan. 

Sinabi naman ni Bernardo na posib­leng nakuryente ang kaibigan dahil sa pagkakalusong sa baha at hindi sa pagkalunod dahil magaling umano itong lumangoy.