Una sa Balita

Lalaki patay sa alagang ibon sa Florida

0 385

ISANG malaking ibon na may matatalas na kuko sa paa, ang nakapatay ng tao matapos itong mahulog sa bakuran ng hayop sa Gainesville, Florida.

Nagawa pang tumawag ni Marvin Hajos, 75, sa 911 noong nakaraang Biyernes dakong alas-10:00 nang umaga. May isa pang tumawag at nag-ulat ng medical emergency hinggil sa lalaking inatake ng malaking ibon.

Nabatid na nagawa pang isugod sa ospital si Hajos subalit binawian din ito ng buhay.

Nasa bakuran pa rin ni Hajos ang alagang cassowary kung saan naglunsad ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

Ang may-ari ay kila­lang breeder ng mga rare bird na nagmumula sa Australia at New Guinea.

Itinuturing naman ng pulisya na aksidente ang pagkamatay ni Hajos matapos itong mahulog sa kulungan ng ibon at atakihin nito.

Ayon sa Florida Fish and Wildlife Conservation Commission, ang cassowary ay itinuturing na Class II wildlife, ibig sabihin ay nagdudulot sila ng panganib sa mga tao at kailangang may akmang kulungan sa mga ito.

Ang mga may-ari ng ganitong klaseng ibon ay kailangan din na may sapat na kaalaman sa pag-aalaga nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy