Una sa Balita

Lalaki patay sa 4 tanod

By
0 5

Araw ng Miyerkules, nitong Pebrero 22 taong kasalukuyan nang ­matagpuang patay ang isang ‘di pa nakikilalang lalaki sa Barangay Poblacion 4, sa ­Bayan ng Alaminos, ­Laguna.

Laslas ang leeg nito ng ito ay matagpuan at umano ay nahulog pa sa isang humaharurot na service barangay patrol ng isang barangay.

Kasunod nito ay di­nam­pot ng Alaminos Police ang apat na barangay tanod ng Barangay San Andres na ­kinilalang sina Romeo Torres, hepe ng mga Barangay Tanod at ang mga Tanod na sina Angelo Samonte, isang alyas ‘Utoy’ at isang ‘di napangalanan na sinasabing siyang mga suspek sa krimen.

May nakakita umano na ang mga ito ang sakay sa may mga bahid pa na dugong patrol na kinahulugan ng biktima.

Subalit wala pang 24-oras ay pinakawalan din ang mga suspek, ito ay matapos umanong makatanggap ng tawag ang hepe ng pulisya ng Alaminos na si Police Senior Inspector Jollymar Selo­terio mula umano kay Mayor at retired ­Laguna Fiscal Loreto Masa na nagsasabing pa­kawalan ang mga suspek.

Ito ay dahil sa regular filing lang umano ang gina­wang pag-iinquest sa piskalya ng kaso.

Pinilit ng Abante na kuhanan ng reaksyon si PSI Seloterio subalit tumanggi itong ­magbigay ng pahayag at hindi rin nagbi­gay ng anumang ­impormasyon.