Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lalaki niratrat sa kalsada

0 127

Duguang humandusay sa semento ang isang lalaki matapos paulanan ng bala ng hindi pa kilalang suspek sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Naisugod sa Tondo Medical Center si Marion Piape, 37, residente ng Perez St., Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod, pero kalaunan ay inilipat sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg. Jeric Tindugan, ng Station Investigation Unit, nangyari ang pamamaril sa Perez St., bandang alas-8:30 ng gabi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naglalakad patungo sa bahay ng kapatid ang biktima nang bigla itong harangin ng suspek at walang habas na pinaputukan. Naglakad lang na tumakas ang gunman sa pag-aakalang napatay niya ang target.

Sabi ng live-in partner ni Piape, wala siyang alam na nakagalit ng kinakasama.

Hinihintay naman ni Tindugan na magkamalay ang biktima para maimbestigahan. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.