Una sa Balita

Lalaki namatay sa kalsada

By
0 1

Wala nang buhay ng matagpuan sa gilid ng kalsada, ang isang lala­king dating jeepney driver na may malala umanong karamdaman sa Sampaloc, Maynila.

Nabatid na dakong 1:30 ng hapon nang ma­diskubre ng ilang concerned citizen sa bangketa ng M. Dela Fuente Street, malapit sa kanto ng Lardizabal Street sa Sampaloc, na wala ng buhay ang biktimang nakilala lamang sa alyas na ‘Tolits’ nasa 35-40,  5’6” ang taas, malnourished at may iba’t ibang uri ng tattoo sa katawan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District (MPD) – homicide section, dating jeepney driver sa lugar si Tolits, at bumibiyahe sa Lardizabal-Tayuman, pero nang magkasakit ng tuberculosis ay napilitan itong tumigil sa trabaho.

Hindi naman kinakitaan ng anumang sugat sa katawan at nakasuot lamang ng light blue na polo shirt, green na jersey shorts at walang sapin sa paa ang biktima nang madiskubre.

Dinala ang bangkay sa Saint Rich Funeral Homes para sa kaukulang awtopsiya at safekeeping.