Una sa Balita

Lalaki nalunod sa La Union beach

By
0 221

DEAD-on-arrival ang 25-anyos na lalaki matapos malunod sa karagatan na nasasakupan ng Brgy. Pandan, Bacnotan, La Union noong Lunes.

Kinilala ng Bacnotan Police Station (BPS) ang biktima na si Sonny ‘Bot’ Buccat, binata, ng Brgy. Bitalag ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng BPS, ang biktima kasama ang ilang kaibigan ay nag-picnic sa isang beach resort sa may nasabing barangay.

Dito, nagkaroon ng inuman ang grupo ng biktima. Nang malasing ay nag-swimming umano si Buccat sa dagat.
Sinabi ng BPS na nakarating umano ang biktima sa malalim na bahagi ng dagat hanggang sa hindi na ito lumutang.

Na-rescue ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ang biktima subalit wala na itong buhay.