Una sa Balita

Lalaki naglaro ng ari sa harap ng magandang flight attendant

By
0 710

ARESTADO ang isang construction worker at ang kasama nito makaraang ipakita nito at laruin ang kanyang ari sa harapan ng isang dalagang flight attendant kahapong nang madaling-araw sa San Juan City.

Nadakip ng rumes­pondeng mga kagawad ng pulisya sa loob ng kanilang barracks sa isang construction site sa Brgy. Eermitaño ang mga suspek na sina Raymond Vasquez alyas ‘Emon’, 28-anyos, at kasamang si Jimmy Prinsipe, 23, pawang mga manggagawa.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong unjust vexation ng pulisya matapos ireklamo ng isang 24-anyos na flight attendant.

Sa ulat ng San Juan police, dakong alas-2:20 nang madaling-araw nang dumating ang biktima sakay ng kanyang Suzuki Vitara na kotse at pumarada sa Grey St. sa Brgy. Ermitaño at pababa pa lang sana ito ng kanyang sasakyan nang bigla na lang sumulpot ang dalawang lasing na suspek.

Kinatok umano ng suspek na si Vasquez ang kotse ng biktima sabay baba sa kanyang pantalon at paglaruan ang ari nito sa harapan ng dalaga habang ang isang suspek naman ay nagsilbing lookout.

Nang makakuha naman ng tiyempo ay agad na bumaba ng kanyang kotse ang biktima at mabilis na tumakbo patungo sa kanilang bahay at isinumbong ang pangyayari sa kanyang ama na agad namang nagtungo sa Police Community Precint (PCP) 4 ng San Juan police.

Sa pangunguna naman ni Insp. Calixto Manjares, hepe ng nasabing police station ay tinungo ng mga ito kalapit na construction site sa lugar at doon ay positibong kinilala ng biktima ang dalawang suspek.

Umamin naman ang dalawang suspek lalo na si Vasquez sa kanyang ginawa at sinabing dala lang umano ng kalasingan ang kanyang ginawa at humihingi ito ng tawad sa dalaga suba­lit tinuluyan pa rin itong sampahan ng kaso ng biktima.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa San Juan police at nahaharap ang mga ito sa kasong unjust vexation.