Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lalaki nag-propose, pinapili sa 5 engagement ring ang jowa

0 75

Ibang level ang paandar ng isang lalaki upang mas maging espesyal ang pagyaya niyang pakasal sa kanyang nobya.

Sa Instagram, ipinost ni William Hunn, taga-Atlanta, Georgia, ang naging ganap sa marriage proposal sa kanyang best friend.

Lumuhod siya na may hawak na hindi lang isa kundi limang engagement ring na maaaring pagpilian ng kanyang fiancée.

“She Said Yes! Asked my best friend to spend the rest of our days together! & gave her 5 different options to choose from! @mz_miller I thought I knew what love was till you came into my life. Can’t wait to see all the blessings that God has in store for us!” sabi ni Hunn sa IG post.

Makikita sa post ang kanyang fiancée na si Brittney Miller na suot ang limang singsing at may background pa silang isang helicopter. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.